--Ads--

Inanunsyo ni U.S. President Donald Trump ngayong umaga na magkakaroon na ng “complete and total” ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran upang tuldukan ang labanan ng dalawang bansa.

Ayon kay Trump, maglalaan ng panahon para matapos muna ng bawat panig ang kanilang mga kasalukuyang misyon bago pormal na simulan ang tigil-putukan sa isang staged process.

“On the assumption that everything works as it should, which it will, I would like to congratulate both Countries, Israel and Iran, on having the Stamina, Courage, and Intelligence to end, what should be called, ‘THE 12 DAY WAR’,”  ayon sa kanyang pahayag sa Truth Social.

Nauna rito, hinikayat din ni Trump ang Israel na ituloy ang hakbang patungo sa kapayapaan matapos niyang hayaan ang pag-atake ng Iran sa isang base militar ng Amerika — kung saan wala namang nasugatan — at nagpasalamat pa siya sa Iran sa maagang abiso hinggil sa nasabing pag-atake.

--Ads--