Isinulong ni Senator Sherwin Gatchalian ang panukalang paikliin sa tatlong taon na lamang ang pag-aaral sa kolehiyo.
Nakapaloob sa inihain niyang Three-Year College Education (3CE) Act na gawing tatlong taon ang kurso sa kolehiyo sa halip na apat na taon.
Nakasaad sa panukala na pagpasok ng estudyante sa kolehiyo ay diretso na sila sa mga major subject ng kinuhang kurso.
Ang mga General Education (GE) course naman ay isasama na sa senior high school.
Layon nito na tiyakin ang kahandaan ng mga mag-aaral sa kolehiyo at mabigyan ng mas maraming panahon ang internship at advanced specialization.
Ibinahagi ni Gatchalian ang mga naging resulta ng pag-aaral ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), kung saan lumabas na ang mga programa ng kolehiyo sa Pilipinas ay itinuturing na GE-heavy at internship-light.





