--Ads--

Matapos ang apat na sunod-sunod na linggong taas presyo sa mga produktong petrolyo, ipinatupad naman ng mga kumpanya ng langis sa bansa ang oil price rollback ngayong Martes, ika-12 ng Agosto.

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis sa bansa ipinatupad ang  bawas presyo na P0.40 sa kada litro ng gasolina, P1.50 sa kada litro ng diesel, at P1.30 naman sa kada litro ng kerosene.

May oil price rollback din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang CleanFuel kaninang alas-8 ng umaga.

Ang ipatutupad na bawas presyo sa mga nasabing produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

--Ads--