--Ads--

Nagsagawa ng monitoring ang binuong task force sa Cauayan City na tututok sa mga gasolinahan sa lungsod, kasabay ng malakihang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ret. Col. Pilarito Mallillin, Hepe ng Public Order and Safety Unit, sinabi nito na batay sa kanilang pagmomonitor, wala pa namang naitalang hindi sumunod sa itinakdang bawas presyo.

Aniya, bagama’t hindi magkakapareho ang presyo ng krudo sa bawat gasolinahan, nilinaw ni Mallillin na magkakaiba ang price estabilization ng mga negosyante, depende na rin sa kung saan kinukuha ang kanilang suplay.

Pinayuhan naman nito ang mga gasoline station na iwasan ang hoarding at profiteering, gayundin ang pagsunod sa mga umiiral na panuntunan upang maiwasan ang pananamantala sa mga consumer.

--Ads--