CAUAYAN CITY- Matagumpay na naisagawa ang Southern Isabela Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) Summit 2025 nitong Biyernes, Agosto 27, sa Echague Evacuation Center, Brgy. San Fabian, Echague, Isabela na may temang “Bayanihan for Protection, Action, and Transformation in Security,” layunin ng pagtitipon na palakasin ang kakayahan ng mga BPAT bilang katuwang ng kapulisan at lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa mga barangay.
Dinaluhan ang summit ng 1,224 BPAT members mula sa siyam na bayan ng Southern Isabela kabilang ang mga bayan ng Alicia, Angadanan, Cordon, Echague, Jones, San Agustin, San Guillermo, San Isidro, at Ramon.
Pinangunahan ang aktibidad nina PLTCOL Garry A. Matagay, Deputy Provincial Director for Administration (DPDA), at PLTCOL Jomar F. Julian, Chief ng Police Community Affairs and Development Unit (PCADU), katuwang ang Pamahalaang Lokal ng Echague sa pangunguna ni Mayor Faustino A. Dy V, sa pamamagitan ng kinatawan nitong si Hon. Marcos Baccay, Chairman ng Municipal Peace and Order Council (MPOC).
Tinalakay sa summit Orientation and Objectives at Roles of BPATs in relation to PNP , Katarungang Pambarangay at Citizen’s Arrest, Barangay Intelligence Network (BIN), BPATs as First Responders, Road Safety and Traffic Laws, Crime Reporting via E-911, at Awareness on West Philippine Sea .
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PCOL Lee Allen Bauding, sa pamamagitan ni PLTCOL Matagay, ang mahalagang papel ng BPAT bilang unang tagapamagitan sa mga isyu ng seguridad sa barangay.
Ang aktibidad ay nagbunga ng mas pinatibay na ugnayan ng BPATs, PNP, at mga lokal na pamahalaan isang matatag na hakbang tungo sa mas ligtas at mapayapang Isabela.





