--Ads--

Naaresto ng pinagsamang tracker team mula sa San Manuel Police Station (Lead unit), PIU-IPPO, PIDMU-IPPO, RIU 2 PIT, Isabela West, 1st IPMFC, 3rd Platoon, at RMU2 ang Top 9 Most Wanted Person sa antas panglalawigan na kinilalang si alyas “Bentong” sa bayang ng San Manuel, Isabela.


Ang akusado ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Hulyo 24, 2025 ng Presiding Judge, Regional Trial Court, 2nd Judicial Region, Branch 23, Roxas, Isabela,na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya nito.


Ayon sa mga awtoridad, ang pagkakaaresto kay “Bentong” ay resulta ng masusing pagtutulungan ng mga ahensiya ng kapulisan upang sugpuin ang krimen at itaguyod ang kapayapaan sa komunidad.

Pansamantalang dinala sa San Manuel Police Station ang naarestong suspek bago ibalik sa hukuman na nag-isyu ng warrant.

--Ads--