--Ads--
Naaresto si dating House Speaker Martin Romualdez matapos siyang pagsilbihan ng warrant of arrest sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.
Ayon kay Remulla, binasa kay Romualdez ang warrant at ang kanyang mga karapatan sa presensya ng kanyang abogado, bago isinagawa ang booking procedure.
Isinasailalim din siya sa pagsusuri ng mga doktor ng PNP at ng ospital matapos umanong makaranas ng cardiovascular event, hindi stable na blood pressure at anxiety attack.
Patuloy na babantayan ang kanyang kondisyon hanggang sa maari na siyang iharap sa Sandiganbayan kaugnay ng P7.4-bilyong plunder case sa umano’y anomalya sa flood control projects.
--Ads--









