--Ads--
Iniulat ng Iranian media ang magkakasunod na malalakas na pagsabog sa katimugang bahagi ng Strait of Hormuz, kung saan posibleng tumama sa mga sea mine ang mga oil tanker na dumaraan sa mga rutang hindi awtorisado ng Iran.
Posibleng sangkot sa insidente ang mga tanker na gumamit ng naturang mga ruta. Wala pang kumpirmadong detalye tungkol sa pinsala o posibleng nasawi at nasugatan.
Naganap ang insidente sa gitna ng tumitinding tensyon sa mahalagang daluyan ng mga barkong pangkalakalan.
Karaniwang dumaraan sa Strait of Hormuz ang malaking bahagi ng pandaigdigang suplay ng langis at gas, kaya maaaring makaapekto sa pandaigdigang kalakalan at presyo ng enerhiya ang anumang pagkaantala sa paglalayag sa lugar.
--Ads--











