--Ads--
Sinunog ng mga hindi pa kilalang salarin ang isang Wheel Excavator ng Woggle Corporation na naimberna sa sitio Upper Tacbao, barangay Bitnong, Dupax del Norte kaninang 5:58 AM. ngayong araw(December 12).
Ang Wheel Excavator, kasama ang 3 Pick-up at 1 Light Truck ay hindi nailabas matapos gamitin ang mga ito sa clearing operations sa daan dahil sa landslide na dulot ni Super Typhoon ‘Uwan’ .
Dagdag ng PNP Dupax del Norte na pinagbawalan at hindi pinayagan ng mga grupong kontra pagmimina na mailabas ang mga ito mula sa nasabing lugar.
Ang WC ay kasalukuyang nagsasagawa ng Mining Exploration sa 5 barangay ng Dupax del Norte na mariing tinututulan ng mga grupong kontra pagmimina.
--Ads--









