Isinama ng Gilas Pilipinas si naturalized player Bennie Boatwright sa 12-man roster para sa Window 5 ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Seremban, Malaysia, sa Nobyembre 27 hanggang 29.
Papalitan ni Boatwright si Justin Brownlee na nagpapagaling mula sa ilang injury, kabilang ang problema sa puso.
Makakasama niya ang mga nagbabalik-Gilas na sina Rhenz Abando, Mike Phillips at Quentin Millora-Brown.
Wala naman sa roster sina Carl Tamayo dahil sa injury, Calvin Oftana dahil sa nalalapit na panganganak ng kanyang misis, at June Mar Fajardo na nagretiro na sa national team.
Sa kasalukuyan, may 4-4 record ang Gilas at nasa ikalimang puwesto sa Group E.
Kailangan nitong talunin ang Syria at Iran sa Nobyembre 27 at 29 upang mapalakas ang tsansang makapasok sa 2027 FIBA World Cup sa Qatar.











