Nakipagkasundo ang Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines (CAMPI) sa gobyerno upang labanan ang pagkalat ng pekeng automotive parts sa online platforms.
Ito ay bahagi ng e-commerce memorandum of understanding (MOU) ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL).
Ayon kay IPOPHL Acting Director General Nathaniel Arevalo, ang paggamit ng pekeng spare parts ay hindi lamang paglabag sa IP rights kundi banta rin sa kaligtasan ng publiko.
Ang MOU ay nagtataguyod ng notice-and-takedown mechanism kasama ang Lazada, Shopee, Zalora, at TikTok Shop upang matiyak na lehitimong produkto lamang ang naibebenta.
Ani CAMPI President Rommel Gutierrez, ipinapakita ng pagsali ng CAMPI ang kanilang commitment sa kaligtasan at kalidad ng automotive parts, at sa responsableng online trade.











