--Ads--

Nagpatuloy ang bahagyang pagtaas ng wholesale prices ng mga materyales sa construction ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Batay sa datos, nanatili sa 0.8 percent ang paglago ng Construction Materials Wholesale Price Index (CMWPI) sa National Capital Region (NCR) kumpara sa nakaraang buwan. Mas mataas ito kaysa sa 0.2 porsyento na naitala noong Disyembre 2024.

May ilang grupo naman na nagpakita ng mas mabagal na pagbaba, gaya ng structural steel at metal products.

Naitala rin ang 0.1% na pagbaba sa hardware at doors, jambs at steel casement matapos ang kani-kanilang pagtaas noong Nobyembre. Mas mabilis na pagbaba naman ang nakita sa semento at glass products.

--Ads--

Sa kabuuan ng 2025, bumagal ang average growth ng CMWPI sa NCR sa 0.1%, kumpara sa 0.6% noong 2024. Ayon sa PSA, ang pagbaba ay dulot ng downtrend sa annual average rates ng 12 sa 20 commodity groups.