--Ads--

Bumabalangkas na ng batas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa hindi pag-renew sa prangkisa ng mga sira-sirang public utility vehicles.

Ayon kay LTFRB Chairperson Vigor Mendoza, sakop nito ang mga traditional at modern jeepneys, buses maging ang mga taxis at kapag natapos na ang nasabing panuntunan ay mahigpit nila itong ipatutupad

Aniya, personal niyang naranasan ang pagsakay ng jeep sa Visayas kung saan mayroong malaking butas sa gitna ng sinakyan nitong jeep  at maging ang mga drivers ay hindi umano nakasuot ng tamang kasuotan dahil naka-tsinelas, sando at shorts lamang ang mga ito.

Kanilang tatalakayin ang nasabing panuntunan sa mga gagawin nilang pulong sa mga susunod na linggo.

--Ads--