Iginiit ng National Public Transport Coalition (NPTC) na dapat lamang sumunod sa batas ang mga kumpanya na namamahala sa mga Motorcycle Taxis kasabay ng pagpapatigil ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng expansion o ang pagdami ng MC Taxi na namamasada.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay NPTC Convenor Ariel Lim, sinabi niya na hindi maghahain ng moratorium ang LTFRB sa ilang mga MC Taxi kung wala silang nakikitang mali sa implementasyon nito.
Aniya, wala pang batas na nagpapahintulot sa mga ito na mamasada kaya naman dapat nilang sumunod mga awtoridad habang pinag-aaralan ng pamahalaan bago sila bigyan ng approval para makabiyahe ng legal.
Ayon kay Lim, hindi na umano dumaan sa training at seminar ang ilang mga MC Taxi driver bago sila tanggapin ng mga kumapanya kaya may mga napapaulat na mga naaksidente at nanghaharass umano ng mga operator.