Matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos ang isang intelligence-driven buy-bust operation na ikinasa ng Cabagan Municipal Police Station sa Brgy. Ngarag, Cabagan, Isabela.
Ang operasyon ay isinagawa alinsunod sa agenda ni Chief, Philippine National Police PGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR sa Crime Prevention, Suppression at Law Enforcement Excellence at sa direktiba ni PRO2 Regional Director PBGEN ANTONIO P MARALLAG JR at sa patnubay ng Isabela Police Provincial Office sa pamumuno ni Acting Provincial Director PCOL MANUEL B BRINGAS, bilang bahagi ng pagsusulong ng isang Bagong Pilipinas.
Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Damian,” binata, corn agent, at residente ng Purok 4, Brgy. Casibarag Norte, Cabagan, Isabela.
Siya ay inaresto bandang dahil sa paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Cabagan MPS katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU) at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency- Region 2 (PDEA RO2), na malinaw na nagpapakita ng intelligence-driven policing at epektibong inter-agency coordination, bilang bahagi ng agenda ng CPNP sa modern at professional law enforcement.
Nasamsam mula sa suspek ang tatlong (3) piraso ng maliliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting mala-kristal na substansyang hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu bilang buy-bust stuff, gayundin ang dalawang (2) piraso ng tunay na tig-iisang libong piso (₱1,000) na ginamit bilang marked buy-bust money.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay agad na minarkahan at isinailalim sa on-site inventory habang ang suspek ay nasa pangangalaga ng Cabagan Police Station.










