Arestado ang isang 45-anyos na tricycle driver matapos masangkot sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Calao East, Santiago City
Kinilala suspek bilang si Alyas “Boy” at residente ng nasabing barangay.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na ₱1,897.00.
Narekober din ng mga operatiba ang buy-bust money na nagkakahalaga ng ₱1,500 na binubuo ng isang ₱500 bill at isang ₱1,000 bill.
Pinangunahan ng Santiago City Police Station 2 bilang lead unit, katuwang ang City Intelligence Unit at Philippine Drug Enforcement Agency ang ikinasang operasyon
Ayon sa pulisya, agad na minarkahan, kinunan ng larawan, at isinailalim sa inventory ang mga nakuhang ebidensya sa lugar ng operasyon sa presensya ng suspek at mga kinatawan mula sa National Prosecution Service at isang kagawad ng Barangay Calao East.
Sinabi ng mga awtoridad na bahagi ang operasyon ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad sa lungsod ng Santiago sa tulong at suporta ng komunidad.
Kasalukuyang nasa kostudiya ng Pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
--Ads--











