--Ads--
Unti-unti, dahan-dahan nang makakarekober sa pinagdadaanan niyang anxiety ang mahusay na singer na si Gigi de Lana.
Ibinahagi ni Gigi ang pinagdaanan nitong healing journey sa isang retreat kung saan mapapanood itong naglalakad nang nakapaa sa pilapil, sa damuhan, sa lupa hanggang patungo sa isang falls.
Maraming kasama si Gigi na gaya nya na nangangailangang baklasin ang lahat ng mga negatibong pinagdadaanan.
May eksena si Gigi na humarap sa isang counseling, nag-yoga at ang pagsigaw nang malakas habang nasa ilalim ng lagaslas ng tubig at nakaharap sa bato.
--Ads--
Makikita ang bigat ng nararanasan ni Gigi, sa lakas rng pasigaw nya para mailabas ang naipon sa dibdib.






