--Ads--

Isa sa mga lider na inaasahang dadalo sa Association of Southeast Nations (ASEAN) Summit na gaganapin sa Pilipinas ay si United States President Donald Trump, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay inihayag ng Pangulo sa ginanap na presentasyon ng logo para sa paggunita ng ika-80 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Pilipinas at Estados Unidos sa Malacañang.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na kumpiyansa siyang lalo pang titibay ang ugnayan ng dalawang bansa ngayong umabot na sa walong dekada ang kanilang diplomatikong relasyon. Ipinahayag din niya ang pag-asa na muling makabibisita sa bansa si Trump upang dumalo sa ASEAN Summit, kung saan ang Pilipinas ang magsisilbing chairman ng pandaigdigang pagtitipon.

Matatandaang bumisita si Trump sa Pilipinas noong 2017 para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa panahon ng administrasyong Duterte.

--Ads--

Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang Malacañang kung may tugon na si President Trump sa imbitasyon para sa ASEAN Summit.