Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawak ng murang pautang para mas maraming pamilyang Pilipino ang makapagpakabit ng solar panels at makatipid sa kuryente.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, pinakilos na ang GSIS, SSS, Pag-IBIG Fund, LANDBANK at Development Bank of the Philippines upang mag-alok ng abot-kayang solar loans.
Sa kasalukuyan, umaabot sa P500,000 ang solar loan ng GSIS na may 5% interes kada taon, habang hanggang P300,000 naman ang iniaalok ng Pag-IBIG na may 3% interes.
Inaasahang maglulunsad din ng sariling solar loan ang SSS at LANDBANK sa unang bahagi ng 2027.
Tututukan din ang Visayas at maliliit na isla na madalas makaranas ng brownout, kasabay ng direktiba na bawasan ang mga rekisitos sa pagpapakabit ng solar panels.











