--Ads--

Ikinagalak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tuluyang pagbasura ng Kamara ng mga Kinatawan sa mga impeachment complaint na inihain laban sa kanya.

Ito ang inihayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, na nagsabing nasiyahan ang Pangulo sa naging proseso sa House of Representatives.

Ayon kay USec. Castro, ikinatuwa ng Pangulo ang naging desisyon ng 284 na miyembro ng Kamara na ibasura ang mga reklamong impeachment, na aniya’y patunay ng paniniwala ng mga mambabatas sa katotohanan.

Dagdag pa niya, sa ngayon ay nais ng Pangulo na magpatuloy at sumulong sa kanyang trabaho, sa halip na magpokus sa usaping pulitikal.

--Ads--

Aniya, nakatuon si Pangulong Marcos sa pagpapatupad ng mga programang pang-ekonomiya na layong mag-angat sa kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino.