--Ads--

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapasinaya sa Alfonso Lista Pump Irrigation System (ALPIS) sa Barangay Sto. Domingo, Alfonso Lista, Ifugao ngayong Lunes, Oktubre 26, 2026.

Nagkakahalaga ng mahigit ₱1.49 bilyon ang proyektong ipinatupad ng National Irrigation Administration (NIA), na inaasahang makikinabang ang 1,315 magsasaka mula sa apat na barangay at makapagbibigay ng irigasyon sa 2,300 ektarya ng sakahan.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang 317 magsasaka sa Sto. Domingo, 129 sa Namnama, 313 sa Namillangan, at 556 sa Calupaan.

Kabilang sa mga pasilidad ng proyekto ang mga pump, pump house, tubo at mga kanal na maghahatid ng tubig mula sa Magat Reservoir patungo sa mga sakahan.

--Ads--

Naitala ang Oktubre 7, 2026 bilang completion date ng proyekto, at inaasahang mas mapalalawak nito ang access sa irigasyon at masuportahan ang produksyon ng mga pananim at kabuhayan ng mga magsasaka sa lugar.