--Ads--

Inanunsyo ng 47-anyos boxing legend Manny Paquiao na babalik siya sa ibabaw ng ring sa Abril 18 upang harapin ang dating junior welterweight world champion na si Ruslan Provodnikov sa isang 10-round welterweight exhibition fight.

Huling lumaban si Pacquiao noong Hulyo 19 laban sa WBC welterweight champion na si Mario Barrios kung saan nagtapos ang laban sa majority draw. Dalawang hurado ang nagtabla sa iskor habang ibinigay naman ni judge Max DeLuca ang panalo kay Barrios, 115-113.

Dahil dito, bumaba ang professional record ni Pacquiao sa 62 panalo, 9 talo, at 2 tabla.

Ayon kay Pacquiao, espesyal para sa kanya ang muling pagbabalik sa Las Vegas.

--Ads--

Gaganapin ang laban sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, isang venue na naging tahanan ng maraming malalaking laban noong dekada ’90 bago naitayo ang MGM Grand Garden Arena at T-Mobile Arena.

Samantala, ang 42-anyos na si Provodnikov ay huling lumaban noong Hunyo 2016 kung saan natalo siya via unanimous decision laban kay John Molina Jr..

Sa pagbabalik ni Pacquiao sa ring, muling aabangan ng mga tagahanga kung maipapakita pa ng “Pacman” ang kanyang dating bangis at bilis sa ibabaw ng lona.