--Ads--

Upang matugunan ang kakulangan sa silid-aralan sa bansa, hinimok ni Education Secretary Sonny Angara ang mga negosyante na makipagtulungan sa pamahalaan sa paghahanap ng solusyon.

Sa isang forum, sinabi ng kalihim na paiigtingin nila ang public-private partnerships (PPP) upang mapabilis ang konstruksyon ng mga paaralan. Sa ilalim ng ganitong partnership, inaasahang matatapos ang mga silid-aralan sa loob ng isa hanggang dalawang taon, kumpara sa dating inaabot ng ilang taon.

Naaprubahan na ang 16,000 classrooms sa ilalim ng programa, at inaasahang maabot pa ang mahigit isang daang libo sa mga susunod na taon.

Kaugnay nito, isinusulong din ng Department of Education (DepEd) ang digital upgrade ng mga paaralan sa pamamagitan ng Public Schools Internet Program Connect, katuwang ang Khan Academy.

--Ads--

Ani Angara, mahalaga ang papel ng pribadong sektor upang mas mapabilis ang pagtugon sa krisis sa edukasyon.