--Ads--

Isinagawa ngayong araw ng Huwebes, Pebrero 19, ang controlled load testing gamit ang light vehicles sa steel connector bridge na inilagay bilang pansamantalang solusyon sa gumuhong Span No. 3 ng Cabagan–Sta. Maria Bridge.

Layunin nitong tiyakin ang tibay at kaligtasan ng connector bridge bago ito buksan sa publiko. Kasunod nito, isasagawa rin ang asphalt overlay sa connection joint sa pagitan ng mga span upang matiyak ang maayos na transisyon at ligtas na pagdaan ng mga sasakyan.

Ayon kay DPWH Sec. Vince Dizon, target na mabuksan ang tulay sa unang bahagi ng Marso ngayong taon sa sandaling makumpleto ang lahat ng kinakailangang inspeksyon at finishing works.

Plano rin umanong imbitahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pormal na pagbubukas ng tulay.

--Ads--

Samantala, patuloy na pinag-aaralan ng DPWH ang pangmatagalang solusyon para sa ganap na rehabilitasyon ng buong tulay.