--Ads--

Inihayag ni United States President Donald Trump na umano’y pumayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sa Estados Unidos na kunin ang kabuuang suplay ng enerhiya ng Pilipinas.

Sa isang press briefing, ikinuwento ni Trump na tinanong niya si Marcos kung magpapatuloy pa ang Pilipinas sa pagbili ng energy supplies mula sa Middle East.

Ayon kay Trump, sinabi niya sa Pangulo na maaari nang sa Estados Unidos bumili ng 100% ng pangangailangan ng bansa sa enerhiya.

Dagdag pa ni Trump, maaari rin umano niyang gawin ang kaparehong kasunduan sa iba pang mga bansa.

--Ads--

Gayunman, ang pahayag ay batay pa lamang sa salaysay ni Trump at hindi pa nangangahulugang may pormal nang kasunduan ang Pilipinas at Estados Unidos hinggil dito.