--Ads--

Nagkaroon ng reorganization ang Isabela Road Safety Council upang tugunan ang tumataas na kaso ng disgrasya sa lalawigan ng Isabela.

Ayon kay Ginoong Kim Agbayani, Public Order and Safety Officer ng lalawigan at isa sa mga miyembro ng konseho, nagsagawa ng pagpupulong at reorganisasyon ang konseho upang paigtingin ang pagpapatupad ng batas-trapiko, kabilang ang mas mahigpit na panghuhuli at pagche-check sa mga motorista sa mga lansangan.

Sinabi ni Agbayani na sa kasalukuyan, pangalawa ang Isabela sa may pinakamataas na naitalang road crash incidents sa buong Cagayan Valley o Rehiyon Dos.

Dahil dito, isinama na sa reorganized council ang hanay ng mga SBO offices sa iba’t ibang bayan ng lalawigan, gayundin ang pamunuan ng Isabela State University upang makatulong sa information dissemination at edukasyon ng mga motorista at maging ng mga estudyanteng gumagamit ng sasakyan.

--Ads--

Ayon pa kay Agbayani, bahagi ito ng mas pinaigting na hakbang ng pamahalaang panlalawigan upang mapababa ang bilang ng aksidente sa kalsada.

Sa unang linggo pa lamang ng implementasyon ng reorganisasyon, batay sa kanilang monitoring, mayroon nang bahagyang pagbaba sa mga naitatalang insidente sa lansangan.