--Ads--

Arestado ang isang tricycle driver sa Bayan ng Aurora, Isabela matapos ang isinagawang drug buy-bust operation ng Aurora Police Station nitong Pebrero 24.

Itinago ang suspek na si Alyas “Mando”, 40 taong-gulang, may asawa, at residente ng nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Samuel Lopez, Chief of Police ng Aurora Police Station, sinabi niya na halos isang buwan nilang minanmanan ang suspek bago isagawa ang operasyon.

Nang gabi ng Martes, isinagawa ang buy-bust sa kahabaan ng Kalabaza to Villa Fugu Steel Bridge bandang 10:22 ng gabi.

--Ads--

Nasamsam kay Mando ang isang sachet ng hinihinalang droga na nagkakahalaga ng P3,000, kasama ang kanyang cellphone, pera, at tricycle na ginagamit sa kanyang trabaho.

Sa kasalukuyan, nananatili ang suspek sa kustodiya ng pulisya habang hinihintay ang pagsasampa ng kaso.

Giit ni PMaj. Lopez, tuloy-tuloy ang kampanya ng kanilang hanay laban sa ilegal na droga sa kanilang nasasakupan.