Apat na katao ang napaulat na nasugatan matapos mapinsala ang ilang bahagi ng Dubai International Airport kasunod ng insidente na may kaugnayan sa tumitinding tensyon sa Middle East nitong Linggo.
Kinumpirma ng Dubai Media Office na isang concourse ng paliparan ang nagkaroon ng “minor damage” sa isang pangyayaring agad namang naagapan ng mga awtoridad.
Gayunman, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad kung ang pinsala ay dulot ng direktang tama o ng mga debris mula sa mga projectile na naharang sa himpapawid.
Dahil sa tumitinding sigalot sa rehiyon, sinuspinde ang ilang flight sa Middle East, kabilang ang mga biyahe papunta at mula Dubai at Abu Dhabi, kasunod ng mga operasyong militar na isinagawa ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran.
Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad habang inaayos ang operasyon ng mga paliparan at tinitiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at kawani. Apat na katao ang napaulat na nasugatan matapos mapinsala ang ilang bahagi ng Dubai International Airport kasunod ng insidente na may kaugnayan sa tumitinding tensyon sa Middle East nitong Linggo.
Kinumpirma ng Dubai Media Office na isang concourse ng paliparan ang nagkaroon ng “minor damage” sa isang pangyayaring agad namang naagapan ng mga awtoridad.
Gayunman, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad kung ang pinsala ay dulot ng direktang tama o ng mga debris mula sa mga projectile na naharang sa himpapawid.
Dahil sa tumitinding sigalot sa rehiyon, sinuspinde ang ilang flight sa Middle East, kabilang ang mga biyahe papunta at mula Dubai at Abu Dhabi, kasunod ng mga operasyong militar na isinagawa ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran.
Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad habang inaayos ang operasyon ng mga paliparan at tinitiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at kawani.





