--Ads--

Aabot sa 17 katao ang nasawi at mahigit 20 ang sugatan sa naganap na stampede sa Eastern India.

Ayon kay West Bengal Chief Minister Suvendhu Adhikari, nangyari ito sa Hindu festival of Durga Puja sa Kolkata.

Nagkagulo ang mga tao ng biglang buhos ng malakas na ulan kung saan nagtulakan ang mga taong dumalo.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nangyari ang insidente dahil sa kakulangan ng pagsasayos ay maraming mga nagdaang pagtitipon ang nagtatapos sa stampede.

--Ads--