--Ads--

Ipatutupad na simula Lunes, ika-9 ng Marso ang four-day work week sa ilang tanggapan ng pamahalaan, ayon sa anunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Biyernes.

Ayon sa Pangulo, ilang opisina sa Executive Department ay magpapatupad ng apat na araw na pasok kada linggo upang makatulong sa pagtitipid ng enerhiya kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at ng tumitinding tensiyon sa Gitnang Silangan.

Hindi naman kasama rito ang mga frontline services gaya ng mga Pulis at Bumbero.

Bukod dito, pansamantala ring ipinagbawal ang mga biyahe at aktibidad ng pamahalaan na hindi naman kinakailangan gaya ng mga study tour, team-building activity o mga meeting na maaari namang gawing online.

--Ads--