--Ads--

Sinimulan na muling targetin ng Estados Unidos at ng Israeli Military Forces ang mga fuel depots ng Iran nitong Linggo, Marso 8 matapos ang ilang malalakas na pagsabog at pagsiklab ng apoy sa siyudad ng Tehran.Enerhiya at Mga Utility.

Ayon sa Israeli military, ang pagbomba sa mga oil storage facilities ng Iran ay bahagi ng aniya’y “next phase of war” dahil isa aniya ito sa mga nagsususplay ng krudo sa military forces ng Iran na siya namang naglalayon na palalimin pa ang danyos sa military infrastructure ng naturang bansa.

Nauna naman na rito ay tinarget na rin ng Israel ang malaking bilang ng mga fuel storage facility ng naturang bansa nitong Marso 7.

Ito ay kasunod ng naging pahayag ni United States President Donald Trump na humihiling sa Iranian government ng ‘unconditional surrender’ at sinabi na matatapos lamang ang digmaan sa pagitan ng mga bansa kapag sumuko na ang Iran o hanggang sa hindi na gumagana ang kanilang military forces.

--Ads--