--Ads--
Target ng Gilas Pilipinas na talunin ang Iran sa kanilang paghaharap sa ganap na alas-5 ng hapon ngayong araw sa FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers sa Malaysia.
Mahalaga ang panalo upang mapalakas ang tsansa ng Pilipinas na makuha ang isa sa tatlong outright berths sa FIBA World Cup.
Nasa three-way tie sa ikatlong puwesto ang Pilipinas, Iran at Jordan na may magkakaparehong 5-4 win-loss record.
Ito ay matapos tambakan ng Gilas ang Syria, 97-58, kung saan nanguna si Kai Sotto na may 18 points at 10 rebounds, habang nag-ambag naman si Bennie Boatwright ng 16 points at 13 rebounds.
--Ads--
Ayon kay head coach Tim Cone, kailangan nilang paghandaan ang pisikal at agresibong laro ng Iran upang masiguro ang panalo.











