--Ads--

Nabigo ang Gilas Pilipinas na maipagpatuloy ang three-game winning streak matapos matalo sa Iran, 85-72, sa huling laro nito sa Window 5 ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Malaysia.

Nakuha pa ng Pilipinas ang kalamangan sa third quarter, 63-58, ngunit hindi na nasustena ang momentum matapos makapagtala ng dalawang puntos lamang sa unang walong minuto ng fourth quarter.

Nanguna sa Gilas si Bennie Boatwright na may 18 puntos, habang nagtala si Dwight Ramos ng 16 at Kai Sotto ng 13 puntos at 10 rebounds.

Samantala, umiskor si Mohammad Amini ng 20 puntos para pangunahan ang Iran.

--Ads--

Dahil sa pagkatalo, bumaba sa 5-5 ang kartada ng Gilas sa Group E, habang umakyat sa 6-4 ang Iran.

Buhay pa rin ang tsansa ng Pilipinas na makapasok sa 2027 FIBA World Cup. Haharapin nito ang Jordan at Syria sa huling window ng qualifiers sa Marso 2027.