--Ads--
Nakatakdang magtungo ang Department of Transportation (DOTr) sa Malacañang ngayong Miyerkoles, Marso 11, upang pag-usapan ang mga posibleng hakbang para sa sektor ng transportasyon.
Ang pagpupulong ay nakapokus sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East.
Kasama sa mga tatalakayin ang epekto ng oil price hike at ang final na plano ng DOTr sa fuel subsidy para sa mga transport sector, kabilang ang PUV, PUJ, at mga pribadong motorista.
Pangungunahan ang pagpupulong ni DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez sa Palasyo.
--Ads--
Ang hakbang na ito ay isinagawa rin bilang tugon sa banta ng ilang transport group na magpatigil-pasada dahil sa tumataas na presyo ng petrolyo.











