--Ads--

Isang retired general ang itinuturo ng National Bureau of Investigation (NBI) na umano’y nag-recruit sa mahigit 100 bodyguards na iniuugnay sa kontrobersyal na 18 ‘ex-marines.’

Ayon sa NBI, sa kanilang imbestigasyon sa mga indibidwal na nagpakilalang naghatid umano ng maleta-maleta ng pera sa ilang opisyal ng gobyerno, lumalabas na hindi lahat sa kanila ay nagsilbi sa dating kongresistang si Zaldy Co.

Sa pahayag ni NBI Director Melvin Matibag, sinabi nitong sa kanilang paunang beripikasyon ay may mga inconsistencies o pagkakaiba sa mga pahayag ng mga indibidwal sa kanilang joint affidavit.

Batay sa pagsusuri ng NBI, apat lamang sa 18 ang kumpirmadong driver o bodyguard, kaya mas angkop umanong tawagin ang grupo bilang “14 ex-marines and others.”

--Ads--

Dagdag pa ni Matibag na walo na sa mga indibidwal ang natukoy ng NBI kung kanino talaga sila nagsilbi bilang driver o bodyguard, at lumalabas na hindi sila naka-assign kay Co.