--Ads--

Nakatakdang gumamit ang Office of the Ombudsman ng artificial intelligence para sa busisihin ang mga datos na ipinasakamay sa kanila ng Independent Commission on Infrastructure (ICI).

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla na mayroong 200 na mga mega boxes ng data ganun din ang mga envelopes at mga hard drives na naglalaman ng libo-libong mga pahina.

Sa mga susunod na araw ay kanilang iisa-isahin ang nasabing mga isinumite sa kanila ng mga datos.

Sa tulong aniya ng AI ay mas mapapadali nila ang trabaho para maging organisado ito.

--Ads--

Humanga si Remulla sa resulta ng trabaho ng ICI kung saan hinikayat nito ang mga legal staff na mag-apply sa Ombudsman.