Kinumpirma ng singer-actress na si Gigi de Lana na na-diagnose siya ng isang karamdaman na tinatawag na “pericarditis.”
Maraming naalarma at nag-alala nang muling mahimatay ang dalaga sa recent gig niya sa 28th founding anniversary ng Island City of Samal sa Davao del Norte last March 7.
Naglabas ng official statement ang talent management ni Gigi na Tritone Entertainment at sinabing “extreme fatigue” ang dahilan ng kanyang pagkahimatay.
Kasunod nito, nag-post ang biriterang singer ng video sa kanyang Facebook account, kung saan ibinalita niya sa publiko na maayos na ang kanyang kundisyon.
Dito rin kinumpirma ng dalaga na meron siyang pericarditis. Base sa isang health website, ang pericarditis ay isang kondisyong medikal na nailalarawan sa pamamaga ng pericardium—isang manipis at “sac-like tissue” na nakapalibot sa puso.






