--Ads--
Isang babae ang nasawi matapos bumagsak ang ski gondola sa Engelberg ski resort sa Swiss Alps.
Ayon sa Nidwalden police, ang gondola ay nahulog mula sa kable sa hindi pa malinaw na dahilan bandang alas-11 ng umaga nitong Miyerkules. Sinabi ng mga nakasaksi na malakas ang hangin sa bundok nang mangyari ang aksidente.
Lumabas ang mga video na nagpapakita ng gondola na pababa sa Mt Titlis, umikot pa ito ng ilang beses bago huminto at bumagsak. Ang nasawi ay isang 61 taong gulang na babae mula sa rehiyon at nag-iisa sa gondola nang mangyari ang insidente.
Ayon sa ulat, ang malakas na hangin ay umabot sa higit 80 km/h, samantalang karaniwang sinususpinde ang serbisyo ng gondola kapag umabot ang hangin sa higit 60 km/h.
--Ads--











