--Ads--

Nakapasok si Alex Eala sa susunod na round ng Miami Open matapos talunin si Laura Siegemund ng Germany, 6-7 (6/8), 6-3, 6-3, sa kanilang Round of 64 match nitong Biyernes ng umaga (oras sa Maynila).

Ang 20-anyos na Filipina, kasalukuyang World No. 29 sa opisyal na rankings at No. 50 sa live rankings, ay muling nagbukas ng tsansa na maulit ang kanyang matagumpay na kampanya sa Miami noong nakaraang taon matapos ang mahigit tatlong oras na laban.

Sa unang set, muntik nang makuha ni Eala ang panalo ngunit nakabawi si Siegemund sa tiebreak. Bumangon ang Filipina sa ikalawang set, sinamantala ang 14 errors ng kalaban, at tinapos ito sa 6-3. Sa huling set, tuluyan nang kumapit ang momentum kay Eala, na ginamit ang kanyang matitinding returns upang makuha ang panalo.

Susunod niyang makakaharap ay alinman sa Magda Linette (World No. 50) o ang World No. 2 Iga Swiatek, na tinalo na rin ni Eala sa parehong torneo noong nakaraang taon.

--Ads--