--Ads--

Kinilala ng Guinness World Records ang isang Pokémon fan sa Hong Kong matapos makapagtala ng 2,882 Pikachu-themed items, dahilan upang makuha ang titulong “largest collection of Pikachu memorabilia.”

Si Hailey Yu ang may hawak ng naturang record na opisyal na na-verify noong Disyembre 21, 2025. Nagsimula siyang mangolekta noong 2013 matapos makatanggap ng Pikachu plush toy bilang regalo ng kaniyang pamilya.

Kabilang sa kaniyang koleksiyon ang mga plushies, figures, stationery, kitchenware, musical instruments at beauty products. Tinatayang nagkakahalaga naman ito ng US$89,000 hanggang US$117,000.

Sa kabila ng dami ng Pokémon characters, nananatiling paborito ni Hailey si Pikachu dahil sa pagkakaibigan nito kay Ash sa anime. Plano rin niyang palawakin pa ang koleksiyon at magkaroon ng sariling exhibition para maibahagi ito sa iba pang Pokémon fans.

--Ads--