--Ads--

Isang babae mula Ohio ang muling nakapiling ang kanyang alagang aso makalipas ang siyam na taon mula nang ito’y mawala.

Si Sharon Kelly, residente ng Youngstown, ay nawalan ng kanyang shih tzu na si Saleo noong 2017 matapos itong lumabas sa bakuran at hindi na bumalik.

Sa loob ng maraming taon, sinundan nila ang iba’t ibang tip kapag may nakikitang aso na kahawig ni Saleo, ngunit palagi silang bigo na makita ito.

Ngunit ngayong linggo, natapos na ang matagal na paghahanap nang makita ng apo ni Kelly ang isang post mula sa Mahoning County Dog Warden tungkol sa isang maliit na aso na natagpuan sa Fellows Riverside Gardens.

--Ads--

Kinumpirma ni Kelly gamit ang lumang mga larawan na ang aso ay si Saleo nga. Ngayon, sa edad na 10, siya mismo ang nanguna sa kanilang paglalakad pauwi.

Na-groom na si Saleo ngunit patuloy pa ring ginagamot sa impeksiyon sa mata, problema sa sinus, at dental issues.