Patuloy na nagpapanatili ng lakas ang bagyong Rosal habang kumikilos pahilagang-kanluran sa karagatang hilagang-silangan ng Batanes.
Namataan ang sentro ng bagyo sa layong 275 kilometro sa silangan-hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 190 kilometro kada oras. Kumikilos ito sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes and the northeastern portion of Babuyan Islands (Babuyan Is., Panuitan Is., Calayan Is., Camiguin Is.), habang Signal No. 1 naman sa nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, mainland Cagayan, the northeastern portion of Isabela (Maconacon, Divilacan, Santa Maria, Cabagan, San Pablo, Palanan), Ilocos Norte, and Apayao.
Batay sa forecast track ng Bagyo Inaasahang magpapatuloy ang paggalaw nito pahilagang-kanluran hanggang bukas, Oktubre 24, bago kumilos pahilaga at saka pahilagang-silangan sa pagitan ng Sabado at Linggo, Oktubre 25 at posibleng lumabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility sa madaling-araw ng Sabado.
Inaasahan ding unti-unti itong hihina sa loob ng susunod na 24 oras, bago mas mabilis na humina. Posibleng maging severe tropical storm ito pagsapit ng Sabado ng umaga at tropical storm naman sa gabi.
Nagbabala ang PAGASA sa mapanganib na kondisyon ng karagatan, partikular sa Batanes, kung saan maaaring umabot sa 12 metro ang taas ng mga alon. Posible ring umabot sa walong metro ang mga alon sa hilaga at silangang baybayin ng Babuyan Islands at hilagang-silangang baybayin ng mainland Cagayan.
Pinapayuhan ang lahat ng sasakyang pandagat na manatili muna sa pantalan o humanap ng ligtas na kanlungan. Pinag-iingat din ang mga may-ari ng maliliit na bangka at pinapayuhang huwag munang pumalaot.
Patuloy namang pinapayuhan ang publiko na sumunod sa mga abiso at direktiba ng mga lokal na awtoridad, lalo na sa mga lugar na posibleng makaranas ng malakas na ulan at hangin.











