--Ads--

Inanunsyo ni House Speaker Faustino Dy III na babawasan ang face-to-face meetings ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Inter-Parliamentary Assembly (AIPA).

Ang mga in-person na pagtitipon ay ililimita na lamang sa dalawang pangunahing okasyon: ang General Assembly sa Oktubre at ang Interface Meeting sa Nobyembre, habang ang mga preparatory meetings ay ililipat sa online o virtual platforms.

Layunin ng hakbang na ito na mas mapahusay ang paggamit ng resources habang tuloy pa rin ang parliamentary diplomacy ng mga bansang kasapi.

Dagdag pa ni Deputy Speaker Maria Rachel Arenas, inaayos na rin ang hybrid format, kung saan pinagsasama ang online meetings at piling face-to-face events upang maging mas episyente at organisado ang mga aktibidad ng AIPA.

--Ads--