--Ads--

Aminado ang content creator at influencer na si Zeinab Harake na lumipas na ang kanyang mga “walwal days,” kung saan madalas siyang makita sa iba’t ibang high-end bars sa Maynila.

Ayon kay Zeinab, ngayon kapag lumalabas siya, ito ay kadalasang dahil sa contract signing, photoshoot, o simpleng selebrasyon kasama ang pamilya o ang kanyang asawa, si Bobby Ray Parks, Jr. Sinabi niya na nabu-bored na rin siya sa ganitong lifestyle, lalo na ngayon na siya ay papasok na sa kanyang 30s at pakiramdam niya ay natapos na ang yugto ng kanyang buhay na iyon.

Marami ang nagsasabing 180 degrees ang pagbabago sa kanyang buhay, at malaki ang impluwensiya ng kanyang asawa sa kanyang mga ipinagbago. Mas malalim at interesante rin ang mga bagay na kanyang ibinabahagi sa mga panayam ngayon, kabilang ang mga natututunan niya mula sa mga pag-uusap nila ng asawa niya.

Aminado rin si Zeinab na nagugulat siya sa mga positibong pagbabago sa sarili. Pagpinapanood niya ang sarili ngayon, nararamdaman niyang proud siya sa kanyang pinanggalingan at sa kung paano siya nagbago.

--Ads--

Bagama’t nagbago ang kanyang pananaw at lifestyle, nananatili pa rin ang kanyang personalidad. Gusto pa rin niyang maging positibo, palabiro, at masigla, at ngayon ay nararamdaman niya na natagpuan niya ang kanyang layunin bilang inspirasyon sa mga kababaihang dumaranas ng pagkadown sa buhay.