Nailigtas ng Nigerian Army ang tatlumpu’t isang (31) sibilyan na binihag ng mga armadong grupo sa isang marahas na pag-atake sa simbahan sa Kaduna State nitong Linggo ng Pagkabuhay.
Ayon sa hukbo, naganap ang pag-atake habang isinasagawa ang Easter Service Easter service sa nayon ng Ariko, na sakop ng Kachia local government.
Sinabi naman ni Caleb Maaji, Chairman ng Christian Association of Nigeria para sa Kaduna State, na dalawang simbahan ang inatake sa Ariko noong Linggo. Ayon sa kaniya, pitong tao ang napatay at hindi matukoy ang bilang ng mga bihag.
Matagal nang nakararanas ng karahasan ang hilagang-kanlurang bahagi ng Nigeria, kabilang ang malawakang pambibihag para sa ransom at pananalakay sa mga baryo, kung saan nagtatago ang mga armadong grupo sa malalawak na gubat sa rehiyon.






