--Ads--

Paglalabanan ng Creamline at Farm Fresh ang ikalawa at huling finals slot ng 2026 PVL All-Filipino Conference ngayong alas-4 ng hapon sa FilOil Centre, San Juan.

Galing sa magkaibang resulta ang dalawang koponan kung saan talo ang Creamline sa Cignal, habang panalo ang Farm Fresh kontra PLDT. Pareho silang may 1-1 record, habang 2-0 na ang Cignal.

Sisikapin ng Foxies na makapasok sa kauna-unahang PVL Finals, sa pangunguna nina Ces Molina, Mylene Paat at Alohi Robins-Hardy, habang haharap naman ang Creamline nina Alyssa Valdez, Tots Carlos at Jia De Guzman.

Ang matatalo ay lalaro sa best-of-three para sa third place kontra PLDT High Speed Hitters.

--Ads--