Inangkin ng Cignal ang unang finals berth ng 2026 Premier Volleyball League All-Filipino Conference matapos talunin ang Creamline sa MOA Arena sa Pasay City.
Ito ang ikatlong pagsampa ng Super Spikers sa PVL Finals sapul nang sumali sa liga noong 2021.
Nagposte si Gandler ng triple-double na 24 points, 10 digs at 10 receptions para sa kanilang ikalawang sunod na panalo matapos ang paggupo sa Farm Fresh Foxies sa pagbubukas ng single round-robin semifinals noong Sabado.
Bigo ang Cool Smashers na masundan ang naunang panalo sa PLDT High Speed Hitters para sa 1-1 baraha.
Sa unang laro, bumanat si Trisha Tubu ng 28 points mula sa 26 attacks at dalawang blocks sa pagdaig ng Farm Fresh kontra sa PLDT.
Binuhay ng Foxies ang tsansa para sa kauna-unahang finals stint sa kanilang 1-1 baraha matapos ang naunang kabiguan sa Cignal Super Spikers noong Sabado.
Nagdagdag si Ces Molina ng 12 points at may 10 markers si Royse Tubino habang nagtala si Fil-Am setter Alohi Robins-Hardy ng 20 excellent sets.
Lumabo ang pag-asa ng High Speed Hitters sa finals spot sa nalasap na ikalawang dikit na kabiguan kasama ang pagyukod sa Creamline Cool Smashers noong Sabado.
Nagtala si Kim Kianna Dy ng 20 points at may 18 markers si Fil-Canadian Savi Davison para sa PLDT.










