--Ads--

Ipinagdiwang ng content creator na si Donnalyn Bartolome ang Earth Day sa pamamagitan ng isang tree-planting at cleanup drive activity kasama ang isang non-governmental organization at ilang kapwa nature enthusiasts.

Sa kanyang Instagram reel, ibinahagi ni Donnalyn ang kanilang pagtatanim ng mga punla sa isang bakanteng lote bilang pakikiisa sa adbokasiya para sa kalikasan.

Bukod sa tree planting, nagsagawa rin sila ng cleanup drive bilang suporta sa pangangalaga ng kalikasan. Kasama rin sa aktibidad ang photo documentation ng kanilang mga gawain.

Ang Earth Day ay ipinagdiriwang tuwing Abril 22 sa buong mundo mula pa noong 1970, na layuning itaas ang kamalayan sa pangangalaga ng kalikasan at laban sa climate change.

--Ads--

Umani naman ng positibong reaksyon ang naturang inisyatiba mula sa mga tagasuporta ng content creator.