--Ads--

Nasungkit ni Filipino billiards player Genesis Ouano ang 2026 Universal Bangkok Open 9-Ball Championship matapos talunin ang Chinese Taipei bet na si Wu Kun Lin, 13-12, sa finals sa Bangkok, Thailand.

Nakahabol si Ouano mula sa 2-7 deficit bago nagawang maitabla ang laban at umabot sa huling rack, kung saan sinamantala niya ang pagkakamali ng kanyang kalaban upang masungkit ang kampeonato at 15,000 US dollars na premyo.

Bago nito, tinalo rin ni Ouano ang kapwa Pilipinong si Jaycee Cordova Garcia sa semifinals, 11-10.

Samantala, nakarating din sa quarterfinals si Ronel Nalaunan, habang umabot sa Round of 16 sina Carlo Biado, Jerico Bañares, Jeffrey Ignacio, Miguel Salvilla at Sean Mark Malayan.

--Ads--