--Ads--
Pinuri ni Ivana Alawi si Joshua Garcia sa kanilang kissing scene sa seryeng Love Is Never Gone, na ikinatuwa ng fans sa ginanap na Blue Carpet Premiere.
Ayon kay Ivana, naging magaan at maayos ang kanilang eksena dahil sa gabay ni Direk Manny Palo, at pabiro pa niyang inilarawan ang intense na chemistry nila ni Joshua sa naturang scene.
Dagdag pa ng aktres, propesyonal at maalaga si Joshua sa set, habang sinabi naman ng aktor na humanga siya sa dedikasyon at pagiging cooperative ni Ivana sa trabaho.
Ang Love Is Never Gone ay mula sa Dreamscape Entertainment at mapapanood sa Prime Video simula Mayo 8.
--Ads--






